"Noong nakakakita ka, hindi mo ako nakita. Nang mabulag ka, doon mo lang ako nakita"
-Tonyo (Empoy Marquez)
Ang pelikulang "Kita Kita" ay ginampanan ng mga kilalang artista na sina Alessandra de Rossi at Empot Marquez. Talaga nga namang pumatok sa takilya. Ito rin ay nag trending sa social media bago pa man ito maipalabas sa mga sinehan. Ano nga ba ang kwento ng nasabing pelikula? Aking ilalahad ang istorya ng pelikulang Kita Kita.
Namumuhay mag-isa si Lea (Alessandra de Rossi) sa Sapporo, Japan bilang isang tour guide. Ngunit siya ay nakaranas ng temporary blindess o panandaliang pagkabulag na sanhi ng kaniyang stress. Si Lea ay tulad pangkaraniwang babae, nasasaktan, umiiyak at nasusugatan.
Isang araw ay nahuli niya ang kanyang nobyong hapon na nagtataksil sa kanya na naging dahilan kung bakit gumuho ang kaniyang mga pangarap, at nagdala sa kanya sa matinding stress. Dahil sa pagiging broken hearted ni Lea, siya ay nagkulong at nagmukmok sa kaniyang bahay.
Si Tonyo (Empoy Marquez) ay isang OFW sa Japan na sinusubukang mag move on. Si Tonyo ay kaniya ring kapitbahay. Dahil sa kakulitan nito at araw-araw na pagdadala ng mga niluto niyang pagkaing Pinoy, unti-unting nakabangon si Lea sa pagiging sawi sa puso at sa kalungkutan na dala ng kanyang pagkabulag.
Tinanggap ni Lea ang alok ni Tonyo na siya ang magsisilbing mga mata ng dalaga habang sila ay namamasyal sa mga tourist spot ng Sapporo.
Unti-unting nagkamabutihan ang dalawa at kapwa naging masaya sa kanilang relationship bilang magkaibigan, hanggang sa dumating ang araw na muling nakakita si Lea.
Hindi mahuhulaan ng manonood ang buong kuwento ng Kita Kita sa panonood lamang ng pakita o trailer nito. Maaaring isipin nilang, “Mukhang kakaiba dahil hindi pogi ang leading man, pero bulag naman ang babae eh, malay niya? Cheap comedy lang siguro ito!” Ganunpaman, halos puno ang sinehan nang manood ang CINEMA samantalang mag-iisang linggo na itong ipinapalabas noon.
Kung mapapanood mo ng buo ang pelikula, talaga nga namang mapapamahal ka sa karakter nina Lea at Tonyo dahil sa epektibong pag arte nina Alessandra at Empoy.
Kahit may katagalan na ang pelikulang Kita Kita aking irerekomenda ito para inyong panoorin. Ang kwento pa lamang ng pelikula ay ka akit-akit na paano pa kaya ang cinematography na ginamit dito? Isipin mo, sumadya sila sa bansang banyaga para lamang mas mapaganda pa ang story line at mas maging makatotoohanan ito. Idagdag mo pa ang mga sound effects at mga background music na magiging dahilan nang iyong pag iyak.
Kaya naman tumpak na tumpak talaga ang pelikulang ito sa mga teenager na siyang relate na relate sa istorya ng pelikula. Kaya naman kung gusto mong lumuha at tumawa, panoorin niyo ang pelikulang Kita Kita.